Patuloy na kawalan ng pagbabalik ng purchasing power sa NFA, kawalan ng pagtupad ng gobyerno sa kanilang pangako — Bantay Bigas

55

BOMBO DAGUPAN — Hindi sinsero sa kanilang mga pangako.

Ganito isinalarawan ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo ang naging takbo ng diskusyon kaugnay sa pagbabalik ng mandato sa National Food Authority sa pag-regulate ng presyo ng bigas sa merkado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na bagamat nabatid na ang patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas ay kagagawan ng mga hoarder, retailer, at price manipulators, iba naman aniya ang naging tono ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel nang nilinaw nito sa Senado na hindi intensyon ng gobyerno na bigyan ng full-power ang National Food Authority sa pagbili at pagbenta ng bigas.

--Ads--

Ito aniya ay isang patunay na hindi sinsero ang gobyerno sa pangako nilang maibalik sa P30/kilo ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Kaya naman ay patuloy ang kanilang panawagan na tuluyan ng ibasura ang Republic Act 11203 o ang Rice Liberalization Law dahil kahit anong gawin nilang pagsususog dito ay mananatiling nakaasa ang gobyerno sa pag-aangkat ng bigas sa bansa.

Dahil aniya sa umiiral na batas na ito ay naranasan ng bansa ang pinakamahal na presyo ng bigas sa loob ng 15 taon, ang pagiging top rice importer ng Pilipinas sa tatlong magkakasunod na tapn, at gayon na rin ang patuloy na pagkabaon ng mga magsasaka sa utang.

Aniya na unang taon pa lamang ng implementasyon ng RA 11203 ay nakita na nila kaagad ang naging pagtaas sa presyo ng bigas at kagyat na silang nanawagan na maibalik ang mandato sa NFA na ma-regulate ang bentahan ng produkto sa mga pamilihan.

Kasabay pa nito ay ang pangangailangan na maglaan para sa ahensya ng malaking pondo upang matugunan ang mga suliraning ito para sa interes ng mga mamamayang Pilipino.

HTML Video embed

BANTAY BIGAS