DAGUPAN CITY – Apat na katao ang nahuli sa dalawang magkahiwalay na drug buy-bust operation na isinagawa ng Dagupan City PNP.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLT. COL. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City PNP sa unang hiwalay na operasyon na kanilang isinagawa ay nahulian ang isang lalaki ng 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang higit P100,000 sa Brgy. Caranglaan.

Samantala, sa ikalawang operasyon naman nila ay nahuli naman ang 3 katao sa Brgy. Nalsian sa bayan ng Calasiao kung saan ay listed din sa mga ibang bayan ang mga suspek. Nakuhanan naman sila 30 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang higit P170,000.

--Ads--

Kasalukuyan nang nakakulong ang apat at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.

Samantala, puspusan naman ang isinasagawang operasyon ng kapulisan upang mahuli ang iba pang sangkot sa ilegal na droga.