BOMBO DAGUPAN – “Tingin ko nananaginip si Gadon.”
Yan ang naging sambit ni Elmer Labog Chairman, Kilusang Mayo Uno patungkol sa naging pahayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon patungkol sa mga Pilipinong nagsasabing mahirap ang kanilang buhay na isa lamang itong imahinasyon o haka-haka.
Ani Labog na hindi alam ni Atty. Gadon ang kalagayan ng ating mga kababayan pangunahin na ang mga kumakayod na mga mahihirap dahilan kung bakit nasabi niya ito.
Ang nakikita lamang niya ay ang takbo ng kotse sa lungsod ngunit mariing sinabi ni Labog na ang mga Pilipino ay hindi lang sa Metro Manila, marami ang nasa probinsya na talagang kapos sa buhay at hindi maka-agapay sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dahil kung titingnan aniya ay mas mababa ang kinikita ng mga mangagawa sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila subalit ang cost of living ay halos magkapareho na.
Kaugnay nito aniya ang introduskyon ng artificial Intellegence o AI sa mga malalaking kompanya sa bansa ay nagdulot ng massive job displacement dahil ang job generated ay hindi regular kundi contractual lamang na nangangahulugang “anytime hired, anytime fired”.
Samantala, nabanggit niya din na mananatili ang kalagayan ng bansa kung patuloy tayong umaasa sa mga importasyon lalo na sa langis at produktong petrolyo.