BOMBO DAGUPAN – Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mga residente na ipagpaliban muna ang lahat ng biyahe patungong Israel.
Ayon kay Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno, ito ay alinsunod sa lumalanang alitan sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ang nasabing kautusan ay inilabas ng Department of the Interior and Local Government na inirekomenda ng Department of Foreign Affairs – Office of Middle East and African Affairs (DFA-OMEAA) noong Mayo 8.
Ipinagbabawal din DFA-OMEAA sa ilalim ng nasabing crisis alert level ang anumang uri ng deployment sa mga bagong hire na Overseas Filipino Workers (OFW) na nakatakdang magtrabaho sa bansa.
Samantala, inabisuhan naman nila ang mga may flight schedule na papuntang Israel na makipag-ugnayan sa kanilang airline o travel agency ugnay sa pagpapa-cancel ng kanilang mga tickets at itinerary.