BOMBO DAGUPAN – 1 meter umano ang ideal na level ng lalim ng tubig sa mga pangisdaan.
Ayon kay Dr. Westly Rosario, Former Center Chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center-BFAR Pangasinan, ang 1 meter na taas ng tubig ay sinusunod din sa ibang bansa.
Aniya, batay sa scientific reason, ang 1 meter ay kayang marating ng skat ng araw pailalim at ang nararating ng sikat ng araw ay para ma-maximise ang productivity ng palaisdaan.
--Ads--
Nilinaw nito na kung masyadong mababaw ang tubig ay hindi mamaximise ang kapasidad para bumuhay o magparami ng mga isda
Dagdag pa niya na kapag masyadong mababaw ang mga palaisdaan ay madaling tubuan ng damo maraming ibon na magtatago at kakain ng semilya at bababa ang poductivity.