BOMBO DAGUPAN – “Maging handa, lalo na ang gobyerno.”
Yan ang naging saad ni Fernando Hicap — Chairperson, PAMALAKAYA sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ukol sa naging pahayag ng China na aarestuhin ang mga trespassing sa West Philippine Sea.
Aniya ang coast guard law na planong ipatupad ng China na magbibigay ng kapangyarihan sa kanila sa hindi naman nila teritoryo ay marapat lamang na wag nilang ipilit.
Bagama’t inaasahan na, na ganito ang magiging reaksyon ng gobyerno ng China ani Hicap ay dapat parin na may gawing aksyon ang kasalukuyang administrasyon maging ang mga law enforcers.
Dagdag pa niya na malakas ang loob ng China dahil nararamdaman nila na walang sariling paninindigan ang Pilipinas. Dapat ay maipakita natin na lagi tayong handa na ipaglaban ang ating territorial water.
Samantala, aniya ang suportang pagkilala sa ating karapatan mula sa mga iba’t ibang bansa ay isang malaking tulong at hindi solusyon ang giyera.