DAGUPAN CITY – “Damihan ang datos tungkol sa kahirapan at baguhin ang mga bigong solusyon, wag ulit-ulitin.”

Yan ang binigyang diin ni Sonny Africa – Director, IBON Foundation sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya patungkol sa pagkontra ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa mga Pilipinong nagsasabing napakahirap ng kanilang buhay.

Ani Africa na hindi nakakagulat ang naging tugon ni Atty.Gadon ukol dito marahil ay wala naman daw siyang masyadong alam tungkol sa kahirapan at dapat na magbitiw na lamang ito sa pwesto at ipalit ang talagang may simpatiya sa mga Pilipino.

--Ads--

Dagdag pa niya na hindi sapat ang ginagawa ng pamahalaan kaya’t mainam na ayusin muna ang problema.

Kaugnay nito aniya ay walang binabago sa patakaran maging sa ngayon dahilan kung bakit nananatiling mahirap ang Pilipinas.

Dapat aniya ay magkaroon ng pagbabago sa mga patakaran sa mga nagdaang administrasyon gaya na lamang ng pagbibigay ng suporta sa agrikultura at lokal na industriya upang mas mapalakas pa ang ating ekonomiya.