BOMBO DAGUPAN – Nagsimula na ang misting operation sa bayan ng San Fabian, Pangasinan matapos makapagtala ng mga kaso ng dengue.
Ayon kay Engr. Lope Juguilon, Head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, maaari aniyang nabulabog ang mga lamok sa kamakailang pag-ulan.
Kaya umiikot na sila umano sa mga barangay upang ipatupad ang kanilang operasyon.
Nagpapaalala na din aniya sila sa mga residente ng naturang bayan na maging malinis sa kapaligiran lalo na sa pagsapit ng rainy season.
Kaugnay nito, taon-taon na din aniya nila ito ginagawa bilang paghahanda sa ganitong kaso tuwing tag-ulan.
Gayunpaman, hindi naman nila hinihikayat ang fogging dahil binubulabog lamang nito ang mga lamok.
Hindi katulad ng misting na direkta umano nitong tinatamaan ang lamok.