DAGUPAN CITY- Marami pa umanong nagmamakaawang makahabol sa pagconsolidate subalit, matagal nang natapos ang deadline nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, President ng Alliance of Concerned Transport Organization, marami na ang nahuhuli ng kapulisan, Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga umanong kolorum na jeepney kamakailan lamang.
Hihilahin umano sa impounding area ng gobyerno ang makikitang kolorum na patuloy namamasada.
Aniya, nakakalungkot man na may napag iwanan sa nasabing programa dahil nawalan ang mga ito ng panghanap-buhay.
Ani De Luna, may kamahalan man ang presyo ng modernized jeepney subalit nakadepende pa din ito kung paano panghahawakan ng isang korporasyon.
Parati naman din aniyang nagpapaalala si One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao na makiisa sa modernization program.
Samantala, sa bisa ng show cause order, haharap sa hearing ang mga hindi nakapag consolidate.
At kung sakaling hindi na aniya sila payagan pang makapagconsolidate, maaari naman silang mag-apply sa mga may korporasyon bilang driver.
Nanawagan naman ni De Luna kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagtuonan ng budget ang Modernization Program upang bumilis pa ang mga matagal nang nakapila sa Land Bank.
Mamimili na din kase ng manufucturer ang chairman ng mga korporasyon dahil may mga local manufucturers na nagbebenta na ng mga modernized jeepney.
Mas mabuti na rin kaseng ligtas ang mga sasakyan kaysa manatili pa sa mga kakarag-karag at lumang mga jeepney.