DAGUPAN CITY- Arestado ang isang 26 anyos na lalaki sa Brgy. Puelay, sa bayan ng Villasis matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu.
Ayon kay PMAJ. Edgar Allan Serquiña, Officer in Charge ng Villasis PNP, arestado kahapon sa bisa ng warrant of arrest si Jeoy Villegas, may live-in partner, isang construction worker, at residente din ng nasabing lugar.
Aniya, buwan ng Abril nang sinimulan nila itong manmanan hanggang sa isinagawa na nila ang naturang operasyon. Lumabas umano sa kanilang imbestigasyon, nagmumula sa bayan ng Bayambang ang pinagkukuhanan nito ng illega na shabu.
Nakumpisakahan umano ito ng 25 piraso ng hinihinalang shabu na may halagang P69,360 at may bigat na 10.2 grams. Maliban dyan, nakuhanan din ito ng 12 piraso ng aluminum foil, 3 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng suspected drug residue, 1 lighter, at 1 kahon ng sigarilyo.
Nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, nagkaroon na ito ng kaparehong kaso noong 2018.