BOMBO DAGUPAN- Umabot sa tinatayang 1.6 Billion ang halaga ng pinsalang tinupok ng apoy sa nangyaring wildfiresa probinsya ng Alberta, sa Canada kamakailan lamang.
Ayon kay Ruth Magalong, Bombo Internnational News Correspondent sa Canada, halos namuti umano ang langit sa Fort McMurray, sa Alberta dahil sa nasabing halos 30,000 hectares na tinupok ng wildfire.
Bundok din kase ang nasabing lugar at dahil sa init ng panahon dulot ng global climate change ay nagsimula ito ng sunod.
At dahil hindi din nakakaranas ng ulan, nakapagtala din ng “extreme heat” na panahon.
Sinabi pa ni Magalong, naging mabilis ang Federal Government ng Canada para sa ganitong Emergency Preparedness.
Nagmula din ang mga bumbero sa mga karatig na lugar ng Fort McMurry kaya naapula din agad ang malawakang sunog.
Samantala, halos 18,000 na mga pamilya ang inilikas. Hindi naman aniya nawala ang mga tulong na nagmula sa Red Cross at sa mga Non-Profit Organizations.
Mabibigyan naman umano ng sabsidiya ang mga naapektuhang trabaho.