Dagupan City – Nakapagtala na ng 90.42% Consolidated Units sa ilalim ng PUV Modernization Program ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Anabel Marzan Nullar, Director ng LTFRB Region I, sinabi nito na nasa 5,616 authorize units na ang naitala sa buong probinsya sa region 1, habang nasa 530 naman ang hindi pa nakapag-consolidate sa 5078 bilang ng nakapagconsolidate. Habang 78.26% naman ang consolidated drought. Kaugnay nito, dito naman sa lalawigan ng Pangasinan ay nakapagtala ng 279 uncosildated units.
Nauna nang nilinaw ni Atty. Nullar na noong hunyo 2017 pa nag-umpisa ang consolidation kung saan ay 8 beses na umano silang nagbigay ng extension sa mga public jeepneys ngunit lumalabas na marami pa rin aniya ang mukang hindi interesado kahit pa tawagan pa isa-isa ang mga ito.
Kung kaya’t nito lamang Abril 30, 2024 sa katatapos lamang ng deadline, maituturing ng kolurom ang mga hindi sumailalim at sa katunayan aniya ay maari nang huliin ang mga ito. Samantala, 6.30% naman na dito sa lalawigan ay modernized na ang kanilang jeepney.