Dagupan City – Nanindigan ang isang Political Analyst na isang uri ng seryosong krimen at hindi dapat isinasantabi ang napaulat na Chinese diplomats na sangkot sa wiretapping issue hinggil sa new model agreement na pinalutang ng China sa Ayungin shoal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty, Michael Henry Yusingco, political analyst, ang nasabing paglabang ay isang uri ng paglabag sa revise penal code na kinakailangang pagbayaran.
Kung kaya’t binigyang diin ni Atty. Yusingco na kinakailangan ng malawak at matibay na ebidensya ng mga kasama sa imbistigasyon, dahil hindi ito basta-basta at maaring ma-expelled ang mga embassy officials.
Nauna nang sinabi ng Philippine Coast Guard ang panawagan na patatalsikin nila umano ang sinumang opisyal na lumabag sa batas ng Republika ng Pilipinas.
Kung saan ay may kaugnayan sa kamakailang ulat na pagpapalutang ng China sa new model agreement sa pagitan ng Chinese diplomat at isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines na may kaugnayan sa mga usapin ng Ayungin shoal.
At nauna na ring sinabi ng Chinese Embassy in Manila na mayroon silang pinanghahawakan na transcript at recording ng phone call conversation ng mga opisyal na sangkot dito, bagay na iligal at malaking paglabag sa Anti-wiretapping Law ng Republika ng Pilipinas ayon kay Defense Sec. Teodoro.