Dagupan City – Magandang ang isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) na aalisin na ang substitutions policy sa mga kandidato upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga pulitiko sa batas ng bansa.
Ayon kay Atty, Michael Yusingco, political analyst, naunawaan nito kung ano ang nagiging motibasyon ng Comelec sa pagsulong ng nasabing resolution.
Aniya, kung matatandaan kasi ay inabuso ng mga pulitiko ang subsitution noong 2016 sa presidential election at 2022 sa vice-presidential election.
Ngunit bagama’t maayos at malinaw ang layunin ng COMELEC, nilinaw ni Yusingco na pawang kongreso lamang sa ilalim ng omnibus election code ang maaaring gumalaw at mag-rebisa ng resolution, dahil isa itong uri ng probisyon ng election code.
Binigyang diin pa ni Yusingco, na kinakailangang maipasa na ito agad, dahil kadalasang nangyayari ngayon ay inaabuso ng pulitiko ang Comelec resolution kung saan ay pagkatapos ng deadline ng Certificate of Candidacy saka lamang sila mag-wiwithdraw at papalitan ng ibang kandidato. Kung kaya’t pagbibigay diin pa nito, dapat ang mag-fafile ng candidacy ay ang personalidad na siya mismong tatakbo.