Dagupan City – ‘Political Agenda’
Ito ang binanggit na posibilidad ni Atty.Joseph Emmanuel Cera, Constititional lawyer sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y pagtatanggol ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y pagpapakalat sa mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Atty. Cera, lumalabas sa nangyayari na makikita ang pagka-bias ni senator Bato sa isinasagawang imbistigasyon, dahil bagama’t kulang sa konkretong ebidensya ay idinidiin pa rin ang dalawa.
--Ads--
Kung kaya’t aniya, bukod sa layuning masira ang mga ito sa publiko ay maaring may kinalaman din ito sa pultika.