Dagupan City – Kinakailangan ng 2/3 majority vote sa senado bago tuluyang makabalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang ipinaliwanag ni Atty.Joseph Emmanuel Cera, Constititional lawyer sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa sinabi ni Senate Majority Leader at Committee on Rules Chairman Joel Villanueva na pag-aaralan at kokonsultahin niya ang mga kapwa senador at mga eksperto tungkol sa usapin kung kailangan ng concurrence o pag sang-ayon ng senado para bumalik muli sa ICC.

Ayon kay Atty. Cera, sa kasalukuyan kasi ay pinag-di-debatehan pa rin ito sa senado.

--Ads--

Nauna nang nilinaw nito na maari pa ring mag-imbestiga ang ICC sa bansa kahit pa kumalas na ito sa ialim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa katunaya aniya, nakapag-imbistiga na sila at magiging mas madali na lamang ito kapag binigayang indikasyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.