BOMBO DAGUPAN — “Nakakalungkot na balita.”

Yan ang naging sambit ni Leonardo Montemayor Chairman, Federation of Free Farmers sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya patungkol sa patuloy paring pangunguna ng bansa sa mga nag-aangkat ng bigas sa buong mundo.

Aniya na noong nakaraang taon ay tayo rin ang may pinakamalaking lebel ng nag-aangkat ng bigas sa mundo.

--Ads--

Samantala ay taliwas ito taong 2019 dahil 90% ang locally produced na bigas sa bansa at 10% lamang ang inaangkat. Kaugnay nito ay dapat mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka para magkaroon ng sapat na suplay ng palay o bigas gaya na lamang ng pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka, makabagong makinarya at tamang sistema sa pangangalaga ng sakahang lupa.

Dagdag pa niya na kulang ang hakbang ng pamahalaan at dapat ay alam nila ang kakulangan sa lupain upang magkaroon ng karampatang remedyo ukol dito.

Samantala, ay pinaalalahanan niya naman ang publiko na mag-ingat sa darating na La Niña lalo na sa mga lugar na prone sa landslide kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan.