Dagupan City – Isang uri ng pang-aabuso ang ginawa ng senado kina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst hinggil sa pagkakadawit ng pangalan ng mga ito sa iligal na droga, batay sa sinasabing nag-leak na dokumento noong 2012.
Ayon kay Yusingco, kung tutuusin ay hindi na ito trabaho ng senado dahil ang trabaho lamang ng senado ay ang tumugon sa pag-amyenda ng batas at hindi ang mag-imbistiga o ituro kung sino ang may sala.
Sa katunayan aniya, dapat ay hanay ng kapulisan at Departmenmt of National Defense ang may obligasyon sa nasabing issue ngunit bakit tila inaabuso ng mga senador ang kanilang kapangyarihan.
Kuganay nito, nauna nang sinabi ni Yusingco na nakakalungkot na ang nangyayari ngayon sa pamahalaan dahil ultimo ang ombudsman o mga independent institutional bodies ay hindi nagagampanan ang kanilang obligasyon bagkus ay tumitiklop ang mga ito sa anong utos ng pulitika.
Samantala, tinawag naaman ng pangulo na “professional liar” si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) investigation agent Jonathan Morales sa nasabing issue.