Dagupan City – Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan ang mga dapat tandaan sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorological Officer ng ahensya, kalakip sa panahon ng tag-ulan na dulot ng Localized Thunderstorms ay ang pagkakaroon din ng mga pakulog at pagkidlat.

Kung kaya’t mas mainam aniya na maging alerto ang publiko dahil sa banta nitong panganib. Kapag naitala naman ang Localized thunderstomrs sa lugar, mas maganda aniya na isaalang-alang ang mga sumusunod; pag-shutdown ng mga cellphone at breaker, pag-iwas sa open area at makikinang na bagay, gaya na lamang nang pagtatakip sa mga salamin upang hindi ito magreflect.

--Ads--

Binigyang diin pa ni Estrada na walang makapagsasabi kung saan haharap at tatami ang kidlat kung kaya’t maigi na isaalang-alang ang mga nabanggit.

Pinayuhan naman nito ang publiko na huwag na lamang lumabas nmg tahanan lalo na kung malalakas at malalaki ang mga pagkidlat-pagkulog. Paalala naman nito, ugaliing magdala ng panangga panlaban sa init at ulan upang masiguro ang kaligtasan.