DAGUPAN CITY-Kinakailangan umanong patindihin ang batas para sa mas matinding kaparusahan sa smuggling.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Argel Joseph Cabatbat, Chairman ng Magsasaka Patylist, matagal nang problema ng bansa ang smuggling ngunit wala pa umanong malaking smuggler o cartel ang napapakulong.
Naging siklo lamang ang pagkakahuli ng mga smuggler ngunit wala nang nababalitang napapakulong.
Maganda man ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Law ngunit balewala din ito kung hindi naman maiimplementa.
Kung magagawa lamang aniyang makapagpakulong ng kahit isang malaking smuggler o cartel ay malaking takot na ang hatid nito sa iba pang mga kasamahan nito.
Hindi rin aniya kase epektibo kung penalty lamang ang kaparusahan sapagkat papatibayin lamang ng mga ito ang kanilang sistema.
Kaugnay nito, dapat lamang aniyang ma-appoint ang mga handang lumaban upang mabigyan ng maayos na implementasyon ang nasabing batas.