DAGUPAN CITY — Umabot na sa kabuuang 79.89% o katumbas ng 2,610 na mga barangay ang naideklarang drug-cleared sa buong Rehiyon Uno, habang nananatili namang drug free ang nasa 338 na mga barangay, at may 319 pa ring drug-affected barangays.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency kontra ilegal na droga.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Director Retchie Camacho na nananatiling nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa mga probinsya sa Rehiyon na may 1,272 at 1,165 drug-cleared barangays.

--Ads--

Sinusundan naman ito ng Ilocos Sur na may 637 drug-affected at 517 drug-cleared barangays. Habang ang Ilocos Norte naman ay nananatiling may 525 drug-affected barangays, habang ang kanilang drug-cleared barangays naman ay nasa 460 na.

Ang La Union naman ay may 501 drug-affected at 468 drug-cleared barangays.

Kaugnay nito ay nagpapatuloy naman ang isinasagawang mga mekanismo at interbensyon ng PDEA-Pangasinan upang tuluyan ng masawata ang kalakaran ng ilegal na droga.