DAGUPAN CITY- Muling magbubukas sa ika-30 ng Hunyo ang Nationwide PNP Promotional and Entrance Examination.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Philipp Raymund Rivera, Provincial Officer ng NAPOLCOM Pangasinan PNP, isa ito sa elligibility na kinakailangan upang makapasok sa hanay ng PNP.
Sa mga nais pasukin ang entrance exam, kinakailangan aniyang nasa edad na hindi bababa sa 21 taon gulang o higit sa 30 taon gulang sa araw. Dapat din may hawak itong bachellor degree. Kinakailangan din aniyang makapag sumite ng kahit anumang valid I.D.
Gaganapin naman ito sa lungsod ng San Fernando sa La union at sa lungsod din ng Vigan sa Ilocos Sur kung saan may kabuoang 3,000 ang entry slots na nakalaan para sa Rehiyon 1.
Ayon muli kay Atty. Rivera, online registration ang proseso upang makapag-apply sa naturang pagsusulit. Maaari itong makita sa www.napolcom-noss.org.
Samantala, sa oras na maipasa nila ito, dadaan na ang mga ito sa recruitment process ng PNP.