Dagupan City – Taktika lamang ng China ang Pahayag ng Chinese Embassy na mayroon umanong “new model” agreement ang Pilipinas at China sa Ayungin shoal upang humina ang pagkakaisa sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Abril, Legal/ Political Consultant, sinabi nito na lumlabas kasi sa version na isinasapubliko ng China na may napagkasunduan ang mga top officials’ ng Pilipinas at kanilang pamahalaan.
Ayon kay Abril, kung totoo man ito, maituturing na isa itong malaking banta sa seguridad ng bansa. Ngunit nauna nang nilinaw nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at National Security Adviser Eduardo Año na pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi ng China hinggil sa mga isyu na may kaugnayan sa West Philippine Sea.
Binigyang diin a ni Abril, paglilihis o pagdivert lamang ito sa atensyon ng National Defense Security, sinseridad, at pagkakaisa ng Pilipinas upang ipaglaban ang Karapatan sa West Philippine Sea; gaya na lamang ng findings ng mga marine biologist attributable artificial island kung saan ay naging cover app ito ng China.
Samantala, binigyang linaw naman nito na ang mga kahina-hinala o walang karapatang lumalapit o tumatawid sa archipelago ng Pilipinas ay maaaring ituring ng threat sa bansa at puntahan ng Philippine Coast Guard.