Dagupan City – Hinihinalang may kinalaman sa pulitika ang nangyaring protesta sa iba’t-ibang unibersidad sa US.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rufino “Pinoy” Gonzales, Bombo International News Correspondent sa USA maaaring may itinatago sa likod ng mga pangyayari.
Aniya, batay kasi sa ulat ay intensyonal na ibinaba ang flag ng Amerika at ipinalit ang flag ng Palestine. Nauna naman nang nilinaw ni Gonzales na kataka-taka ang naitalang ito at nakababahala hindi lamang sa publiko kundi sa mga Israel na pumapasok rin sa Unibersidad.
Bukod naman sa pulitika, isa pa sa nakikitang dahilan aniya ay may perang involved sa insidente.
Kaugnay nito patuloy pa rin namang inaalam kung may dalang armas ang mga protestante. Pagbibigay diin pa ni Gonzales, kung hindi man masira dahil sa labanan ang mga nadawit na unibersidad, iisa ang malinaw aniya, at ito ay ang tuluyan nang gigibain ang mga unibersidad sa lugar.
Sa kasalukuyan, dumarami pa ang bilang ng mga inaarestong protestante sa iba’t-ibang unibersidad kung saan ay nasa higit 300 na ang naaresto sa Columbia University at City College of New York. Karaniwan naman sa mga ito ay mga pro-Palestine protesters.