BOMBO DAGUPAN – “Masayang-masaya.”Ganito ang isinalarawan ng bokalista ng bandang Morse Attack ang kanilang pakiramdam sa pagkakapanalo bilang Grand Champion sa PangasiRock 2024 na ginanap sa Capitol Beach Front, Lingayen, Pangasinan at nilahukan ng nasa humigit kumulang libu-libong mga katao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esrom Origines, Lead Vocalist ng nasabing banda, sinabi nito na taun-taon silang sumasali sa ganitong uri ng mga kompetisyon, ngunit hindi naman nila lubos akalain ang kanilang pagkapanalo lalo na’t tatlong linggo pa lamang silang magkakasama sa banda.
Tatlong linggo rin lamang aniya silang nag-ensayo para sa grand finals ng nasabing patimpalak.
Nagpaabot naman ito ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang grupo mula sa kanilang pagsabak sa kompetisyon hanggang sa pagkamit nila sa tagumpay.
Ang Morse Attack, bilang grand champions, ay nag-uwi ng P100,000 bilang kanilang cash prize, tropeo, at sertipikasyon na kumikilala sa kanilang partisipasyon at pagkapanalo sa Battle of the Bands the Finals Night.
Kabilang naman sa mga nakatunggali ng nagwaging banda ang Lavella Band, Ekspressway, Singko Estrella, Kadena, at Tehra, na kumanta ng dalawang orihinal na piyesa para sa kompetisyon.
Ang PangasiRock Battle of the Bands ay Handog ng Bombo Radyo at Star FM sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esrom Origines, Lead Vocalist ng nasabing banda, sinabi nito na taun-taon silang sumasali sa ganitong uri ng mga kompetisyon, ngunit hindi naman nila lubos akalain ang kanilang pagkapanalo lalo na’t tatlong linggo pa lamang silang magkakasama sa banda.
Tatlong linggo rin lamang aniya silang nag-ensayo para sa grand finals ng nasabing patimpalak.
Nagpaabot naman ito ng pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang grupo mula sa kanilang pagsabak sa kompetisyon hanggang sa pagkamit nila sa tagumpay.
Ang Morse Attack, bilang grand champions, ay nag-uwi ng P100,000 bilang kanilang cash prize, tropeo, at sertipikasyon na kumikilala sa kanilang partisipasyon at pagkapanalo sa Battle of the Bands the Finals Night.
Kabilang naman sa mga nakatunggali ng nagwaging banda ang Lavella Band, Ekspressway, Singko Estrella, Kadena, at Tehra, na kumanta ng dalawang orihinal na piyesa para sa kompetisyon.
Ang PangasiRock Battle of the Bands ay Handog ng Bombo Radyo at Star FM sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. Ito ay ginanap sa Capitol Beach Front, Lingayen, Pangasinan at nilahukan ng nasa humigit kumulang libu-libong mga katao.