Dagupan City – Siniguro ng San Roque Power Corporation ang tibay ng dam nito kaugnay sa napaulat na pagkasira ng dam sa Kenya na ikinasawi naman ng 50 katao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tommy Valdez, Vice President for Corporate Affairs ng San Roque Power Corporation, wala dapat ikabahala ang publiko dahil maayos at matibay ang pagkakagawa ng dam.

Ibinahagi pa nito ang mga pinagdanan ng dam noong mga nakaraang bagyo gaya na lamang ng hagupit ng bagyong pepeng noong taong 2019 na tumama sa bansa.

Binigyang diin pa ni Valdez na maari lamang mangyari ang naitala sa Kenya kung ikokonsidera ang 5 posibilidad.

Una ay ang pagpunta ng tubig sa maximum level nito na nasa tinatayang 290meters above sea level. Pangalawa ay ng malakas na lindo, pangatlo ay ang pangbobomba malapit sa bahagi nito, pang-apat ay ang maling disensyo at hindi matibay na kalidad. At ang pang lima ay ang malfunction ng mga operators.

Nauna nang nilinaw ni Valdez na Pulido at 24 oras nilang minomonitor ang dam sa San Roque kung kaya’t Malabo mangyari ang nasabing balita.

Kaugnay nito, nakatakda namang magbawas ng suplay ng kuryente ang San Roque Power corporation kapag nagtuloy-tuloy ang mainit na panahon. Gaya na almang ng kapag bumaba ito sa 227 meters above sea level upang maiwasan na mapabilang ito sa critical level.