Dagupan City – Target na makamit ang 95% coverage Fully Immunize Children ngayong 2024 ng Department of Health Center for Health Development Region 1.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang Medical Officer IV ng nasabing kagawaran, layunin nito maparami sa rehiyon ang mga batang mabakunahan upang mailayo sa sakit na Measles, Diptheria, pertussis, at iba pa. Kung saan ay inilunsad ang programang “Everyday Bakunahan” kaugnay sa World Immunization Week na idinaraos ngayong huling linggo ng Abril.
Kaugnay nito, noong 2022 ang naging porsyento pagdating sa Fully Immunize Child ay nasa 68% habang noong 2023 naman ay nasa 71%.
Samantala, maliban umano sa Pangasinan at La Uninon ay nagsagawa na rin ang kagawaran sa ilan pang parte ng rehiyon uno gaya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Dagupan City ng programang “Reaching Every Purok Table Analysis”.
Binigyang diin naman ni Bobis na sa kasalukuyan ay prayoridad ngayon ang lalawigan ng Pangasinan sa rehiyon uno dahil sa ito ang may pinakamalaking populasyon na sinusundan naman ng La Union.