Dagupan City – May malaking epekto ang ginagawang survey sa bansa sa tuwing sumasapit ang election.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Francis Abril, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa ulat na pinaburan ng mga Pilipino para sa Presidential Election 2028 si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Abril, kung matatandaan kasi sa inilabas na resulta noon ng survey ay halos pantay lamang si ang bise at si Senator Raffy Tulfo at taliwas na ito sa nailalabas ngayon na naiwan na ang senador.

--Ads--

Ayon kasi sa survey, nakuha ni Duterte ang 42% ng 3,000 randomly chosen respondents na nasa edad 18 pataas habang ang senador naman ay may 17% lamang.

Binigyan diin nto ang salitang “mind conditiong” dahil malinaw lamang na ang mga Pilipino ay nakatutok sa pulitika at malaki ang epekto ng survey sa kanilang mga napipisil na iboto sa eleksyon.

Nauna nang nilinaw ni Atty.Abril na mahalagang sukatin ang pagkakalamang ng isang ihahalal ayons a kaniyang mga nagawa na at credentials.

Samantala, inilarawan naman nito ang Pulitika sa bansa bilang nagiging sandata ng mga mamamayan upang ihalal ang karapat dapat para sa kapakanan ng bansa.