DAGUPN CITY- Tila’y may niluluto umano ang Department of Health kaugnay sa pagpaapbilis na mailabas ang P91.3 Billion Fund para sa Public Health Emergency Benefits at Allowance ng mga Health Workers.

Ayon kay Jao Clumia, ang spokesperson ng Private Healthcare workers Network, sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, kanilang napag alaman na nasa kani-kanilang rehiyon na ang nasabing budget ngunit pinapahayaan na sa mga direktor ng bawat rehiyon ang pamamahala nito.

Gayunpaman, ang tagal pa din bago makuha ng mga health workers ang kanilang allowance.

--Ads--

Naniniwala si Clumia na dahil din sa ilalabas na Administrative Order no.2023-0017 ang nagpapatagal sa pagbibigay ng pondo.

Hindi naman kase dapat ito ginagamit sa mga hindi pa nakakatanggap ng allowance dahil hindi naman sila masisising hindi kumikilos ang mga point person personnel o ang kanilang pasilidad.

Nagbago din ang magiging proseso sa pangtanggap na maaari pang magpabagal ng proseso.

Wala pa din umanong naibibgay ang Department of Health na datos kung ilan ang mga nakatanggap na.

Giit naman ni Clumia, “ka-inutilan” na ang pagbagal ng proseso dahil may mga mabibilis nang teknolohiya.

Mas mainam aniyang gamitin sa mga hindi kumikilos na empleyado ng gobyerno ang nasbing Administrative Order.

Samantala, nagbigay naman ng kasugaruduhan at tulong ang DBM para sa mga private health workers.

Naghahanda naman ang kanilang samahan ng aktibidad para sa Labor Day upang ipanawagan ang kanilang pagkadismaya.

Layunin nilang mapag usapan ang kalagayan ng mga Health Worker sa bansa.

Nais din nilang mapag usapan ang mababang sahod ng Private Sector sa bansa.