DAGUPAN CITY- Ang mga consolidated na ang magsagawa ng Transport Strike sa oras na hindi pa tuldukan ang deadline ng consolidation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Melencio “Boy” Vargas, ang presidente ng ALTODAP, ikinadidismaya na ng mga matagal nang naki-isa sa consolidation ang parating pagpapalawig ng deadline ng nasabing consolidation ng Public Utility Jeepney.

Paglilinaw ni Vargas, hindi naman kase nangangahulugang magpapalit agad ng modernized jeepney ang mga nakapagpasa nito.

--Ads--

Aniya, consolidation lamang ang tanging tinuldukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Abril 30 subalit maaari pa ring ipasada ang mga traditional jeepneys.

Sa katunayan, binigyan sila ng 27 months para makapagpalit ng modernisadong sasakyan.

At kung sakali, mayroon namang 5% subsidy para sa mga bibili na ng unit.

Kaya dapat na umano magdesisyon ang mga hindi pa consolidated kundi mawawalan sila ng pangkabuhayan.

Samantala, nais naman nilang idulog sa gobyerno na mismo ang magpautang sakanilang para sa pagbili ng modernized jeepney at huwag nang idaan pa sa bangko.

Sa kabilang dako, subject for resolution na ang kanilang ipinasang paghingi ng taas pamasahe.

Ayon kay Vargas, hindi pa ito mapagdesisyonan ng Land Transportation Franschising and Regulatory Board dahil pagtaas-pagbaba nito noong nakaraan.