Dagupan City – Kinakailangan ng masusing pag-aaral ng posibilidad ng pag-ban sa paggamit ng cellphones sa loob ng silid-aralan.

Ito ang binigyang diin ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan patungkol sa ulat na ikinokonsidera ng senado ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa klase.

Ayon kay Castro, kinakailangan muna ng isinusulong na panukala na dumaan sa isang masusing pag-aaral, dahil baka may malabag na karapatan ang mga ito sa ilalim ng constitutional rights ng mga studyante.

--Ads--

Kinakailangan din aniyang ikonsidera ang mga posibilidad gaya na lamang ng mga alituntuning kinakailangang ng research, dagdag pa ang emergency calls ng mga mag-aaral.

Samantala, sang-ayon aniya ito kung ang nais isulong ng senado ay ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa oras ng examinationo anumang pagsususulit na siyang kasalukuyang ipinapatupad sa klase.

Binigyang diin muli ni Castro na dapat tignan kung ano ang benepisyo ng implementasyon at kung ito ba ay para sa kapakanan ng mga mag-aaral.