Dagupan City – Nagbabala ang BITSTOP Incorporated sa kumakalat na deepfake.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Wilson Chua, Managing Director and Co-founder ng BITSTOP Incorporated, sinabi nito na nakakabahala ang patuloy na pag-usbong ng teknolohiya na siyang ginagamit sa negatibong bagay.

Matatandaan kasi na kumalat ang isang video sa social media na gumamit sa boses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan tila nagpapahiwatig na ito ng giyera laban sa isang bansa.

--Ads--

Mariin naman itong tinawag na deepfake ng Malacañang at ipinaliwanag na ang deepfake ay isang advanced na klase ng digital content manipulation sa pamamagitan ng generative artificial intelligence.

Ayon kay Chua, magaling ang gumawa ng Artificial Intelligence dahil kagaya nito ang ginawa sa mga dating US President na sila Donald Trump at Barack Obama.

Kung ikukumpara kasi aniya, sa Pilipinas ginawa itong recorded, ngunit sa bansang China at Singapore ay live pa itong pinepeke, kung saan ay live mong nakakausap ang isang indibidwal na kaboses mismo ng kaniyang ginagaya.

Dahil dito, nanawagan si Chua sa Publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon at tiyakin kung galing ito sa isang lehitmong website nang sa gayon ay maiwasan ang mapabilang sa mga nagiging biktima.