BOMBO DAGUPAN – Hindi pa rin nakakaahon ang mga sugar producers sa crop season ngayong taon.
Ayon kay John Milton Lozande, Secretary General ng National Federation of Sugar Workers, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, nananatiling mababa ang produksyon at maging sa presyo ng asukal sa kabila ng balitang posibleng pagtaas ng produksyon nito sa kabila ng El Nino.
Aniya, bumaba ang presyo ng asukal ngayong crop year kumpara noong 2022-2023.
Malala pa aniya ang kalagayan ng return of investment ng mga magsasaka ngayong crop season at mababa sa nais na abutin na produksyon.
Hindi na aniya bumalik ang presyo ng retail rice ng asukal sa mga public market at hindi rin tumaas o hindi bumalik ang level ng output of production na maabot man lamang ang kahit 2 million metric tons na production output.
Dati aniya ay nasa 2.4 million o 2.5 million metric tons ang inabot noong nakalipas na 10 taon na mas matas sa annual consumption.
Sa kasalukuyan,ang retail price ay nasa 90-100 at may mababa pa rito o mas mataas dito.
Giit nit Lozandena ang nakikita niyang dahilan ng pagbaba ng presyo ng asukal ay dahil sa pagpasok sa bansa ng 440,000 metric tons ng asukal.
Samantala, ang pababa naman ng produksyon ay dulot ng El Nino at iba pang manmade na dahilan.