BOMBO DAGUPAN – Pinangangambahan na umabot sa critical ang water level sa San Roque dam sa darating na May 16 kapag nagtuloy tuloy ang pagbaba ng water level dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tommy Valdez- Vice President for Corporate Affairs ng San Roque Power Corporation, paliwanag nito na kapag nagtuloy tuloy sa pagbaba sa critical level ay malamang na hindi na aandar ang San Roque.

Sa kasalukuyan, ay nasa 231. 68 meters above sea level ang water level ng nasabing dam.

--Ads--

Patuloy aniya nilang inoobserbahan ang lagay ng tubig sa dam. Tiwala naman siya na magbabalik din sa normal ang water reservoir.

Dagdag pa niya na hindi naman nangangailangan ngayon ng patubig ang mga magsasaka dahil kaunti na lang ang nag aani sa kasalukuyan.

Kamakailan ay isinailalim sa Red at Yellow alert ang Luzon grid dahil sa forced ­outage ng nasa 19 na power plants dulot na rin ng pagnipis ng suplay ng kuryente.