DAGUPAN CITY- Tinagurian umanong “Final Showdown” ng mga proxies ng Terorista ang pag atake ng Iran sa Israel nitong nakaraang sabado lamang.
Sa panayam ni Rey Carlo Padillo, Bombo International News Correspondent sa bansang Israel sa Bombo Radyo Dagupan, ramdam pa din ang pag iingat ng mga tao matapos matinding tensyon sa bakbakan ng nasabing dalawang bansa.
Ito din kase ang kauna-unahang beses sa kasaysayan na Iran mismo ang nagpadala ng ballistic missile laban sa Israel.
Mas malaki din aniya ang gulo na hatid ng Iran dahil may malapit itong koneksyon sa Russia kung saan may potensyal umanong magkaroon ng World War III sa oras na bumawi ang Israel.
Gayunpaman, pinaghandaan din ng Israel ang pag atake ng Iran.
Kaya patuloy pa rin silang naniniwala sa katatagan at lakas na taglay ng Iron Dome ng Israel na madedepensahan ang bansa.
Nariyan din ang mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos upang suportahan ang Israel mula sa mga pag atake.
Pinahihigpitan din lalo ng Israel ang seguridad lalo na sa papalapit na holiday.
Samantala, nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino na malapit sa border noon pang Oktubre 7, nakaraang taon.
At sa likod ng mga nararanasang tensyon, hindi pa nila ikinikonsidera ang pag uwi ng bansa, maliban nalang kung naging mandatory ang pagpapauwi sa mga Pilipino.