Dagupan City – Magkaroon ng delikadesa.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya kaugnay sa ipinapakita ni Vice President Sara Duterte na parang namamangka sa dalawang ilog.

Aniya, kahit pa kasi sinabi ng bise presidente na sinusuportahan nito ang pamumuno ni President Ferdinand Marcos Jr. ay taliwas naman ito sa kaniyang ipinapakita parikular na sa kaniyang kampo.

--Ads--

Binigyang diin pa ni Yusingco na hindi dapat pumapayag ang bise na gano’n na lamang ang kritikong ginagawa ng kaniyang kampo at dapat ipakita rin nito ng malinaw kung saan siya pumapanig.

Kaugnay nito ay nanantiling ‘no comment’ lamang ang bise sa kabila ng mga napapaulat na samo’t saring pambabatikos sa pamumuno ng pangulo at ang panghihimok ng kaniyang balwarte sa Armed Forces of the Philippines na huwag suportahan at talikuran na lang ang pangulo.

Sa kabila naman nito ay nanindigan sipa rin si Marcos na hindi kikilalanin ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi kinikilala ng Pilipinas ang korte kaya walang tulong na aasahan ang mga ito.