Dagupan City – Iniuugnay ng ilang mga residente sa Amerika sa solar eclipse ang nangyaring buhawi sa ilang bahagi ng bansa
Ayon kay Rufino ” Pinoy” Gonzales – Bombo International News Correspondent in USA, maaring isa sa dahilan kung bakit nanalasa ang isang malakas na bagyo sa Amerika ay dahil sa isa ang mga ito sa mga nakasaksi ng solar eclipse.
Nanalasa kasi sa eastern U.S ang bagyo kung saan nagdulot ito ng malalakas na pag ulan, malalakas na hangin, at maging buhawi sa Southeast, mid-Atlantic, at sa rehiyon ng Great Lakes.
Ayon kay Pinoy, nakatanggap ito ng tornado advisories sa bahagi ng Florida Peninsula at Southern Georgia, upang mapaghandaan nila ang nasabing bagyo.
Nasa tinatayang milyong katao naman sa Indiana patungong Pennsylvania ang nakapagtala ng flash flood warnings, habang nag-iwan naman ng pagkasira sa St. Augustine, Florida partikular na sa World Gulf Village dahil sa isang buhawi.