Dagupan City – Hindi maaaring makasuhan ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Gentleman’s Agreement sa China sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang Street lawyer at Constitutionalist sa Pangasinan, wala itong nakikitang pananagutan ang dating Presidente ng bansa na si Rodrigo Duterte sa umanoy gentlemans agreement dahil walang ebedensiya, kasulatan o written agreement sa bansang China.

Dagdag pa nito, kung siya pa ang nakaupong pangulo ng bansa, isa itong impeachable offence – ngunit sa ngayon, isang na lamang private citizen si Duterte kung kaya’t walang maikakaso laban sa kanya sa korte.

--Ads--

Matatandaan na pinabulaanan na rin ng dating mga kalihim ni Duterte ang gentlemans agreement na pinalutang ni Atty. Harry Roque na tagapagsalita noon ng MalacaƱang. Ang pahayag ni Atty Cera matapos ang pagtanggi ni Duterte sa Gentlemans Agreement sa press conference na isinagawa sa Davao City. Dagdag pa nito, maituturing na political prosecution ang gagawin ng Kongreso sakaling ituloy ang imbestigasyon sa Gentleman’s Agreement.

Binigyang diin pa ni Atty Cera, may ginagawa ng aksyon o hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ay pinipreserve at protektahan ang West Philippine Sea. Gaya na lamang ng hakbang ngayon ng Pangulo sa pagbisita sa Washington DC upang makipagkasunduan sa Japan at Amerika.