Dagupan City – ‘Mas kailangan ng Amerika at Japan ang Pilipinas’.
Ito ang binigyang diin ni Rufino ” Pinoy” Gonzales, Bombo International News Correspondent sa USA sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya kaugnay sa pagdalo ni President Ferdinand Marcos Jr. sa trilateral meeting kasama ang Amerika at Japan sa usaping nakatuon sa pagmantine sa seguridad at freedom of navigation sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pinoy, hindi ipapatawag ng US ang Pilipinas kung hindi ito mahalaga dahil makikita sa datos na isa sa may pinakamataas na economic power ang dalawang bansa.
Aniya, malinaw na ang layunin ng mga ito ay palakasin ang pwera ng Pilipinas partikular na ang mga Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng pagbibigay ng barko, naval, coast guard ships, coastal boats, at iba pa.
Kung mapapansin kasi aniya, 75% merchant ships sa buong mundo ay dumadaan sa West Philippine Sea, kung kaya’t iisa ang motibo ng dalawang bansa at ito ay protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.
Kaugnay nito nauna nag sinabi ni Pinoy na ang China ay masasabing bully ngunit kung nakitang pumalag na ang kanilang inaapi ay aatras din ang mga ito.
Samantala, inaasahan namang bibisita ang pangulo sa mga Filipino Community sa Amerika.