Dagupan City – ‘Walang katuturan’
Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya kaugnay sa nauapulat na may mga kondisyon si Quiboloy bago raw sumuko sa batas.
Ayon kay Yusingco, katatwa lamang ang kaniyang mga nagiging pahayag kung saan ay sinabi ni Quiboloy na ikinakatakot niya ang extradition at pinoprotektahan lamang nito ang kaniyang sarili.
Aniya, kahit bali-baliktarin man nito ang mga naitala sa kaniya ay iisa lamang ang resulta, ito ay ang kailangan pagbayaran niya ang mga kinakaharap na kaso na batay sa International at Criminal law.
Naniniwala naman si Yusingco na maaring isa sa dahilan kung bakit hirap na madakip si Quiboloy ay dahil sa impluwensya nito sa isang kilalang personalidad, pera at walang kapasidad ang law enforcement agencies para mabuwag ito.
Samantala, sumang-ayon naman ito sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maituturing na ang ginagawang aksyon nito ay pampagulo lamang upang mabaling ang atensyon.
Matatandaan na tinabla ng pangulo ang mga kondisyon na hinihingi ni Quiboloy bago siya sumuko at sinabi nito na walang karapatan si Quiboloy na magbigay ng kundisyon sa gobyerno gayung siya ang akusado.