Dagupan City – Hindi na kailangan pang ideklarang nasa krisis ang lalawigan.

Ito ang sinabi ni Pangasinan Governor Ramon Monmon Guico III sa kabila ng nararanasang banta ng El Niño.

Ayon sa gobernador, ito ay dahil sa minimal lamang ang epekto nito sa mga sakahan sa lalawigan kung kaya’t hindi na dapat pang itaas sa nasabing kategorya.

--Ads--

Nilinaw naman ni Guico na patuloy na nakikiag-ugnayan ang pamahalaan ng lalawigan sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang ahensya.

Samantala, patungkol naman sa nararanasang mataas na heat index sa lalawigan partikular na sa syudad ng Dagupan na isa sa mga may mataas na temperatura sa bansa, ayon sa gobernador, nasa mga lokal na pamahalaan na kung magdedeklara sila ng kaselasyon sa bawa’t klase.