Dagupan City – Tinitignang positibo ang Solar eclipse na mangyayari ngayong araw sa kabila ng sindak na hatid nito sa publiko.

Ito ang ibinahagi ni Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent sa Canada sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya dahil sa isa ang Canada sa inaasahang dadagsain upang masilayan ang solar eclipse patikular na sa Niagara Falls.

Aniya, positibo ang pananaw ng karamihan sa kanilang bansa dahil sa loob ng 40 hanggang 45 taon bago ito muling mangyari ngunit sa kabila nito ay umaalalay pa rin ang kanilang bawa’t lokal na pamahalaan sa posibleng epekto nito partikular na sa pagbibigay ng mga babala sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Samantala, may mga syudad sa kanilang bansa ang namimigay ng libreng sunglasses partikular na sa Vancouver na siyang inaasahang daagsain din mga residente.

Ibinahagi din ni Magalong na hindi tinatangkilik sa Canada ang mga pamahiin na kaakibat ng solar eclipse ay delobyo o anumang hindi inaasahang pangyayari.

Kaugnay nito nagbabala naman ang US National Weather Service (NWS) na magkakaroon ng sama ng panahon na may dalang malakas na pag-ulan, tornados at hailstorm sa ilang bahagi ng Texas at kalapit na lugar at nakatdakda namang magasagawa ang mga scientist ng experiments, maglulunsad ng rockets, mag-obserba ng kalagayan ng mga hayop, at pag-aralan ang elusive corona ng araw sa kasagsagan nito.

Hindi naman masisilayan ang solar eclipse sa Pilipinas dahil dadaan ito sa kanlurang bahagi ng mundo, ayon sa PAGASA.