Dagupan City – Tiniyak ng San Roque Power Corporation na nasa tnormal water level pa rin ang sitwasyon ng dam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tommy Valdez, Vice President for Corporate Social Responsibility ng San Roque Power Corporation, wala namang nakikitang pagbaba pa sa level ng tubig.

Aniya, ito ay dahil sa natitirang 16 na oras kada araw na hindi pinapaandar o nagsusuplay ang dam sa anumang korporasyon, dahilan upang maging sapat ang pag-iipon nito ng tubig na siyang isusuplay nito sa 8 oras naman kada araw.

--Ads--

Sa kasalukuyan kasi ay nasa 234 meters above sea level pa rin ito, sapat upang ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay ng suplay sa mga magsasaka partikular na sa National Irrigation Administration (NIA), San Roque Power, National Telecommunications Commission (NTC) at San Miguel Corporation (SMC).

Binigyang linaw nam,an ni Valdez na hindi na inaasahang aabot pa ito sa critical level na 225 meters above sea level.

Samantala, nagpaalala naman ito sa publiko na bagama’t sapat pa rin ang suplay nito, ugaliin pa ring magtipid ng tubig nang sa gayon ay hindi na abutin pa ang kawalan ng water supply sa bansa.