DAGUPAN CITY- Nakapagtala na ng mortalidad ng bangus sa ilang bahagi ng Western Pangasinan dahil sa matinding init ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ronald Eugenio, Operator ng Aquaculture Industry, mainit man na temperatura ng tubig ang kailangan sa isang palaisdaan ngunit nagkakaroon ng mortalidad sa biglaang pagbabago ng temperatura nito.

Kaya labis aniyang ikinakatakot ng mga may palaisdaan ng bangus ang biglaang pag ambon habang mainit init pa ang panahon.

--Ads--

Abiso naman niya na kinakailangan umanong obserbahan ang palaisdaan lalo sa kasalukuyang panahon ngayon upang mabigyan ng lunas ang mga naitatalang mortalidad.

Hindi man maituturing na fish kill ang mga bangus na nasasawi sa palaisdaan ngunit kinakailangan naman itong maibenta agad o ma-consume agad.

Aniya, hindi nagtatagal ang magandang kalidad at pagiging fresh ng bangus na namamatay sa tubig kaysa sa yelo.

Gayunpaman,hanggang mapula pa rin ang hasang nito ay maaaro pa din itong makain ngunit ilang araw lamang ang ikatatagal nito.
Kaugnay nito, maikukumpara naman ang pagkakaiba ng texture sa katawan ng fresh na isda sa hindi.