DAGUPAN CITY- Nasawi ang 1 may kapansana at 1 bata sa bayan ng San Fabian matapos umanong mapabayaan at malunod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLTCol Michael Datuin, Chief of Police San Fabian PNP, nauna na rito noong Huwebes Santo kung saan nalunod umano ang isang turistang taga-Nueva Ecija.

Ayon sa kanilang imbestigasyon, may kapansanan ito at nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

--Ads--

Binigyan man ito agad ng paunang lunas at itinakbo sa malapit na ospital ngunit sa kasawiang palad ay hindi na ito nailigtas pa.

Kasunod naman nito ay ang pagkalunod ng isang 6 anyos noong madaling araw ng linggo.

Ayon muli sa kanilang imbestigasyon, napabayaan umano itong mapadpad sa ilog sa likuran ng kanilang pinuntahang resort dahil tulog pa ang mga kasamahan nito.

Nakita umano ito ng mga ilang mga tao at sinubukang sagipin ngunit nasawi na din ito.

Kaugnay nito, kabilang naman sa nilagdaan na executive order ng alkalde ng bayan bago sumapit ng Holy week ang mahigpit na ipinagbabawal na maligo sa dagat ang mga nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Samantala, sa kabila ng naitalang mga insidente naging mayapa ang naturang bayan nitong holy week.

Ani Datuin, siniguro ang maximum tolerance ang pagpapatupad ng mga kapulisan ng kaayusan upang mapanatiling ligtas ang publiko partikular na ang mga beach goers.

Aniya, naging katulong nila ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang isagawa ang iba’t ibang paghahanda sa holy week.