Dagupan City – Nanindigan ang Federation of Free Workers na walang karapatan ang China sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers, malinaw kasi na nakasaad sa Arbitral ruling ng soberanya ng Pilipinas na pagmamay-ari nito ang West Philippine Sea.
Sa ilalim din aniya ng exclusive economic zone na ang 2,263,816 square kilometers ng karagatan o ang 200 nautical miles na naglalaman ng 7,641 islands ay nasa ilalim pa rin ng Philippine archipelago.
Kung kaya’t hindi tama aniya ang ginagawang pang-aabuso ng China sa mga mangingisdang Pilipino na inaalisan ng karapatan sa sariling pagmamay-ari.
Nauna naman nang binigyang diin ni Matula na hindi susi ang dahas sa pagkamit ng kalayaan.
Panawagan naman nito sa China, nawa’y irespeto nila ang desisyon at huwag nilang abusuhin ang hindi pagpatol ng mga maliliit na bansa, dahil gaya ng Vietnam na kung titignan ay maliit na bansa ngunit kung babalikan ang nakaraan ay may ibubuga ang mga ito pagdating sa pagkamit ng karapatan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng kanilang nasasakupan.