Dagupan City – Naitala ang 7 drowning incident sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa pag-obserba ng semana santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, karamihan sa mga naitala dito ay hindi nagmula sa mga dagat kundi sa mga ilog na nauna nang ipinagbawal ng kanilang mga lokal na pamahalaan bago pa man sumapit ang holy week.

Bagama’t dinagsa ang probinsya ng mga turista at bisita, binigyang diin naman ni Dela Cruz na nananatili pa rin ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. Dahil na rin sa mas pinaigting na pagbabantay ng kanilang hanay, katuwang ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office, National Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Works and Highways at sa kooperasyon na rin ng publiko.

--Ads--

Kaugnay nito, nbagama’t may ilang bayan sa lalawigan na mararamdaman ang trapiko, aniya, mas naging maayos pa rin ang takbo nito ngayong taon kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

Sa kabuo-an, inilarawan ni Dela Cruz na ‘manageable’ ang paggunita ng semana santa sa lalawigan.
Sa kasalukuyan naman, naka-heightened alert statuts pa rin ang lalawigan dahil na rin sa nalalalpit na selebrasyon ng pistay dayat.