Dagupan City – Dinukot ang 2 kabataan lider sa syudad ng San Carlos, Pangasinan sa kasagsagan ng paggunita ng palm sunday.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Former Cong. Isagani Zarate, Bayan muna, nakatanggap sila ng balita bandang alas-8 ng gabi kahapon (marso 24, 2024) at inireport na may dinukot.

Kinilala naman ang mga ito na sina Axielle Tiong o Jak, isang kabataang environmental rights defender at si Eco Dangla na isang kabataang church worker.

--Ads--

Aniya, base sa report, huling namataan sa Brgy. Polo syudad ng San Carlos. ang dalawa at lumalabas naman na binugbog muna ang mga ito bago isakay sa isang SUV na hindi na rin nakuha ang kanilang plate number.

Binigyang diin naman ni Zarate na bukod sa nakakabahala ay nakakagalit din ang ginawa ng mga hinihinalang pwersa ng estado na patuloy na inaapakan ang karapatan ng mga human rights defenders.

Hinihinala ring mga armado ang mga ito dahil sa wala silang takot na gawin ang krimen. Nauna nang nilinaw nito na malinaw ang naging motibo ng mga dumukot na patahimikin ang dalawa o ang tinatawag na ‘redtagging’ dahil sa layunin ng mga ito ay bigyang boses ang mamamayan. Sa katunayan aniya, 16 na mga aktibista na ang nadukot kasama ang dalawang environmental activists sa Tarlac.

Panawagan na lamang nito sa pamahalaan, maitututring na hamon ito sa termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na taliwas sa inihayag ng pangulo kamakailan na bumaba na ang crime rate sa bansa. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin natutukoy kung nasaan ang dalawa at patuloy pa ring pinaghahanap ang mga ito.