Dagupan City – Isang katapangan. Ito ang binigyang diin ni Grant Gannaban O’Neill, Bombo International News Correspondent sa United Kingdom, kaugnay sa inilabas na statement ni Princess of Wales Kate Middleton na siya ay may cancer.

Aniya, marapat lamang na bigyang saludo at respeto ang pagsasapubliko ni Princess Middleton sa kaniyang karamdaman dahil hindi basta-basta ang aksyong ito lalo na’t kilala ang kanilang Royal Family.

Ayon sa statement ni Middleton, ipinaliwanag nito na hindi pa nakita ang cancer niya nang sumailalim siya sa abdominal surgery noong Enero, at lumalabas lamang ito matapos magsagawa na ng iba’t ibang tests.

--Ads--

Samantala, kaugnay naman sa ulat na inilabas kamakailan na edited ang larawan nito kasama ang kaniyang pamilya, sinabi ni O’Niell na maaring nais lamang maging maganda ni Middleton sa mga larawang isasapubliko, kung kaya’t nangayri iyon.

Mapapansin kasi sa inilabas na video statement nito na bahagyang pumayat ang kaniyang pangangatawan. Panawagan na lamang nito O’Neill sa publiko, bigyang respeto na lamang ang royal family dahil humaharap din ang mga ito sa kasalukuyan ng pinagdadaanang pagsubok.