Dagupan City – Ipinaliwanag ng Bombo International News Correspondent sa Australia ang kahalagahan kung bakit isineselebra ang Earth Hour sa mundo.

Ayon kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent sa Australia, maganda na malaman din ng publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan sa kahit maliit lamang na paraan.

Aniya, malaking tulong na kasi para sa kalikasan ang pagsunod sa isang aktibidad na tinatawag na light-out sa Sydney. Nauna nang binigyang diin ni Suede na ang earth hour ay nagsimula bilang isang light-out na kaganapan sa Sydney, Australia noong 2007, kung saan ay naging inspirasyon ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang suporta para sa klima.

--Ads--

Sa panahong iyon ay nasa higit sa 2.2 milyong mga tao at 2,000 mga negosyo ang nakibahagi. M as marami kung ikukumpara sa mga nakikilahok ngayon.

Samantala, ibinahagi naman ni Suede na nasa tinatayang 37% na sa Sydney, Australia ay gumagamit na ng solar power plant upang makatipid sa pagkonsumo ng kuryente.